
Heyya! Bukas, it's the end of the month for August which means Ber-Months nanaman! Napakabilis talaga ng panahon. As a pinoy christmas song say "paskong nagdaan tila ba kung kailan lang...". In Pinoy tradition, it's a start of the christmas spirit...ganun ka advanced! Sabi nga raw, ang Pilipinas na ang may pinakamahabang Christmas celebration...kasing tagal ng isang semester sa school haha, so i decided to post an early christmas comment.
It's just so exciting thinking about it... Christmas nanaman.....marami nang dumadaan sa isip ko:
- Mauubos nnman ang sahod sa pambili ng regalo sa mga kamag-anak at kaibigan.
- Babaha ng beer
- Mangingintab nanaman ang mga nguso sa dami ng pwedeng kaining "pampabata".
- Dadami nanaman ang mga tiangge.
- Dadalas ang ronda ng mga basurero at security guards para sabihin lang na Merry Christmas...sabay abot ng sobre
- Maglilitawan ang mga taong matagal mo na di nakita sa loob ng buong taon na dumaan
- Dadami mga raffle promos
- Dadalas ang Sale..midnight sale, year-end sale, pre-christmas sale...whatever they call it, it's still all-out money
- Dadami ang mga carollers: may choir, may orgs, at yung mga "shifters"...ung mga tipong in 2s or 3s lang per group, and a total of 5 groups ang kakanta on the same house, 10 mins interval per group para di halatang they're of the same team...haha it's a proven fact, walang kokontra.
- Babaha ng Christmas text messages, ringtones, polytones, realtones, MMS wallpaper, AT mga taong di ka natetext ng matagal na panahon.
- "Monito-Monita", exchange gifts, christmas raffles
- Fruitcake, Hamon, at Keso de Bola
- Christmas Specials in all TV Networks
- Misa De Gallo or simply Simbang Gabi..... na nagiging "Simbang tabi" sa ilan tsk tsk
- Charity works atbp.
- Christmas BONUS!...which will eventually mahihigop na ng mga naunang nabanggit, or baka nde pa makuha agad, or wala. Darn!
All these and more in celebrating Pinoy Christmas. Wll 4 months be enough? Hehe

No comments:
Post a Comment